“Daring kasing masyado. So, siguro on my part lang, nandoon pa rin yung limitation,” explains Joross Gamboa why he said no to play Rustom Padilla’s actor-lover in the latter’s filmbio.
Kahit hindi masyadong visible lately sa telebisyon ang young actor na si Joross Gamboa, hindi naman pala ito nangangahulugan na nakatengga lang siya. In fact, sa loob lang halos ng wala pang dalawang buwan, nakakadalawang balik na si Joross sa Japan para mag-perform.
Nagustuhan daw kasi ang pagiging very lively ni Joross kapag nagpe-perform kaya kahit kagagaling pa lang sa Japan ay nakabalik siyang muli last Holy Week para mag-show. Ayon sa kuwento ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal), natutuwa rin daw siya dahil sa ikawalang pagkakataon lang ng pagbalik niya sa Japan siya mas nag-enjoy. (more…)
Add a comment March 26, 2008
The Book 2 of ABS-CBN’s primetime series Maging Sino Ka Man will take its final bow this Friday, March 28. Fans of Anne Curtis and Sam Milby (in photo) are hoping that their characters will be reunited in the end—even though Anne’s Celine already died because of cancer.
Ngayong Biyernes, March 28, na ang finale episode na Maging Sino Ka Man (MSKM) Book 2 na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Nagsimula ang MSKM 2 last November kaya tumagal din ito ng more then one season sa ere.
Sa pagtatapos ng Book 2 MSKM, maraming katanungan tungkol sa serye ang masasagot at mabubunyag na ang mga rebelasyon.
Obviously, dahil mas fast-paced at mas maraming exciting revelations na nagaganap, mas marami na ang tumututok dito. Patunay nito ang rating na nakukuha ng show since last week. As compared sa mga nakaraang rating na naitatala ng show, mas tumaas ito ng ilang percent on its final stretch. (more…)
Add a comment March 26, 2008
Heartthrob Dingdong Dantes will finally sign as an exclusive star of GMA Films tomorrow, March 26.
Nakumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na bukas, March 26, na pipirma ng exclusive contract sa GMA Films si Dingdong Dantes. Siya ang magiging pang-apat na pipirma ng exclusive contract sa film company ng Kapuso Network after Richard Gutierrez, Iza Calzado, and Rhian Ramos.
Last year pa sana pipirma ng kontrata si Dingdong. Una pa sana ang young actor kay Rhian, pero nagulat ang PEP na sa scheduled date ng contract signing ni Dingdong, ang young actress at hindi siya ang dumating sa GMA Network.
Ang paliwanag sa PEP, wala ang manager ni Dingdong na si Perry Linsangan sa first schedule ng contract signing. Nasa Cagayan de Oro raw si Perry kasama sa Team Pinoy Idol na nagpa-audition sa naturang probinsiya. Ang isa pang rason na nakarating sa PEP, may mga demand ang kampo ni Dingdong sa GMA Films na hindi pa naayos kaya inuna munang papirmahin si Rhian.
Sa taping ng wedding scene nila ni Marian Rivera sa Marimar noong March 10 sa San Agustin Church, muling tinanong ng PEP si Dingdong kung kailan siya pipirma ng kontrata sa GMA Films at kung kailan siya gagawa ng pelikula rito. (more…)
Add a comment March 26, 2008